NILABAG ng Philippine National Police (PNP) ang Miranda Rights ng kapwa akusado ni Pastor Apollo C. Quiboloy na si Paulene Canada nang hindi siya bigyan ng pagkakataon na makausap ang kaniyang abogado matapos siyang arestuhin noong hapon ng Hulyo 11, 2024 at inilipad patungong Camp Crame.
Ilang oras pa ang dumaan bago nakausap ni Canada si KOJC Legal Counsel Atty. Israelito Torreon — iyan ay sa kabila ng ilang ulit na pagtawag at pag-text ng abogado kay Police Regional Office (PRO) 11 Brigadier General Nicholas Torre.
Giit ni Torre, wala aniya siyang natanggap na text o tawag mula kay Atty. Torreon.
Pero nanindigan ang abogado at sinabing hindi nagsisinungaling ang text messages at call logs.
“So, you know, text messages do not lie. Call logs do not lie,” ayon kay Atty. Israelito Torreon, KOJC Legal Counsel.
“So, this only goes to show really that Gen. Torre is trying to hide the fact that we tried to give assistance to our client but he refused it, he ignored it,” giit ni Atty. Torreon.
Ayon kay Torreon – ang sinumang lalabag sa Republic Act 7438 ay parurusahan ng walo hanggang sampung taong pagkakakulong at posibleng maharap sa absolute perpetual disqualification o hindi na kailanman makakakuha ng anumang posisyon sa gobyerno.
“There is really a violation. As a matter of fact, it is a stark violation because Gen. Torre is a general,” aniya.
Mga umaresto kay Paulene Canada, posibleng sampahan ng kasong robbery—KOJC legal counsel
Pero nadiskubre ng KOJC legal counsel na hindi lang pala diyan nagtatapos ang mga paglabag ng mga umaresto kay Canada.
Sapul sa CCTV ang ilegal na pagkumpiska ng mga awtoridad sa ilang kagamitan sa tahanan ni Canada gaya ng desktop computer, tablet, automatic BP monitor, Smart watch, ear pods, at chargers sa kabila ng kawalan ng search warrant.
Ayon pa sa KOJC legal counsel na si Atty. Eunice Ambrocio, malinaw na ang ginawa ng mga arresting officer ay labag sa mga alituntunin kaugnay sa pag-serve ng warrant of arrest.
“Ano ba ‘tong mga items na ‘to? Are these illegal items per se? Di ba mga desktop computer, tablet? So, are these illegal? Are these even dangerous or does it harm into the person of the police officers for them to confiscate these items? Di ba hindi? So, ang nakalagay naman sa Rule 126 na ‘you can confiscate items if these are the subject of the offense, these are fruits of the offense and these are used as means of committing the offense,” saad ni Atty. Eunice Ambrocio, KOJC Legal Counsel.
Inabot pa ng ilang araw bago naibalik ang mga kinuhang kagamitan.
Sabi naman ni Atty. Adam Jambangan – wala ring legal na batayan ang mga arresting officer na kumpiskahin ang mga nasabing kagamitan dahil una sa lahat – hindi naman ito pagmamay-ari ni Canada.
Kaya pagbibigay-diin ng mga KOJC legal counsel maaaring sampahan ng kasong robbery ang mga umaresto kay Canada.
“Even probe supposes that there is a search warrant, eh wala ngang search warrant eh. I do believe that there may be grounds to file a case for robbery. Kasi it came with force upon things eh. So, the fact that they returned it, would perhaps alleviate any civil liability that may be imposed. But the crime was already committed and the administrative liability already attached,” ayon pa kay Torreon.
“Meaning to say, it is illegal. And in fact, kung kriminal naman ‘’yung pag-uusapan natin, tama ‘’yung sabi ni Dinah, possible talaga that they may be prosecuted for robbery or qualified theft. And administratively speaking, pwede rin silang pwede din silang maging liable for graft and corrupt practices act,” pahayag ni Atty. Adam Jambangan, KOJC Legal Counsel.
“We would like to thank the police for giving us evidence to file cases against them for robbery. We thank you very much,” wika ni Atty. Dinah Tolentino, KOJC Legal Counsel.
Mga heneral, kinukumbinsi si Paulene Canada para maging state witness vs. Pastor ACQ
Samantala, napag-alaman naman na ilang heneral ang kumumbinsi kay Canada para maging state witness laban kay Pastor Apollo.
“Noong nandoon ako kanina, may revelation si Ma’am Paulene. May mga heneral na bumibisita sa kanya tapos ‘’yung isang heneral na bumisita sa kanya, nagsabi pa, hindi nagpirma doon sa logbook, dumiretso lang, at nagsabi pa, “Oh, tingnan mo ‘yang nangyayari sa’yo ngayon. Ikaw lang ang nadakip, kailangan siguro magkuha ka na ng abogado at baka posible na maano ka diyan, ma-convict ka kung wala kang sariling abogado.” Sabi ni Ma’am Paulene naman, “Supported naman kami ng ministry, ng lawyer.” “Ay hindi, hindi kay para ma-free ka.” Parang ang idea is, parang kinukumbinse siya na magiging state witness,” saad ni Atty. Israelito Torreon, KOJC Legal Counsel.
Giit ni Canada – ano naman aniya ang sasabihin niya laban kay Pastor Apollo lalo’t alam niya na wala naman talagang kasalanan ang butihing pastor!?
“So, kaya, siya sinabihan niya ‘’yung heneral, “Sir, miski ano pong isabi niyo sa akin, hindi po ako tatalikod po sa ministry kasi ako lang, matagal na akong wala sa ministry pero hindi naman ako lumabas, babalik na nga sana ako, pero hindi ko po gagawin ‘’yun na mag-testify ako against the Kingdom leaders,” ani Torreon.