ARESTADO ang American model na si Gigi Hadid matapos makuhanan ng marijuana sa kaniyang bagahe sa Cayman Islands.
Ayon sa isang pahayag, legal umano na binili ng model ang marijuana sa New York City na may lisensiyang medikal.
Ngunit nang makita ito ng mga awtoridad sa Cayman, kinuwesityon nila ang dami ng marijuana na dala ng modelo at sinasabing marami ito para maging personal consumption lang.
Agad dinala si Gigi Hadid pati ang kaibigan nito na si Owen Roberts sa Prisoner Detention Center kung saan pinagmulta ng $1,000.
Sa ngayon, wala pang pinal na pahayag na pinapalabas ang kampo ng modelo hinggil sa insidente.