MAY laban ang Gilas Pilipinas sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Latvia.
Ito ang sinabi ni Coach Tim Cone kahit pa wala si Scottie Thompson sa lineup dahil sa natamo nitong injury.
Aniya, nariyan si Dwight Ramos, Chris Newsome, at CJ Perez na may malalaking ambag para sa koponan.
Sa kabila nito ay umaasa pa rin ang Gilas Pilipinas ani Cone na makakasama na rin nila sa future games si Thompson.