Ginagawa ng Kabataan Party-list istilo ng CPP-NPA-NDF—Cardema

Ginagawa ng Kabataan Party-list istilo ng CPP-NPA-NDF—Cardema

UMABOT sa 20 kaso ng karahasang sexual ang nangyari sa loob ng Kabataan Party-list.

Ayon ito sa mismong miyembro ng party-list na si Maria Kara na biktima rin ng karahasan.

Kaugnay nito, sa isang eksklusibong panayam ng SMNI News, sinabi ni Duterte Youth Chairman Ronald Cardema na kahit paulit-ulit na ang mga kaso ay ayaw pa rin itong aksiyunan ng Kabataan Party-list.

Mukha pang pinoprotektahan ng naturang party-list ang mga suspek nang sabihin nilang sila lang ang mag-iimbestiga sa isyu.

Mula rito, malinaw ayon kay Cardema na ang mga ginagawa ng Kabataan Party-list ay tunay na sumasalamin sa istilo ng Communist Party of the Philippines-New People Army at National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble