Girl group na Everglow, may panibagong music para sa fans ngayong Hunyo

Girl group na Everglow, may panibagong music para sa fans ngayong Hunyo

PANIBAGONG music ang handog muli ng Korean girl group na Everglow sa susunod na buwan.

Ito’y dahil sa Hunyo 10 ay ire-release ng grupo ang kanilang 5th single na may pamagat na “Zombie”.

Ang teaser naman para sa kanta ay ilalabas sa Hunyo 3.

Huling music release ng grupo ay noong Agosto 2023 para sa kanilang 4th single na “All My Girls”.

Ang Everglow ay binubuo nina Sihyeon, E:U, Mia, Onda, Aisha, at Yiren.

Sikat sila sa mga kanta tulad ng “La Di Da”, “First”, “Bon Bon Chocolat”, “Dont Ask Don’t Tell”, at “Dun Dun”.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble