GMA, Cavite — Buong puso ang pakikiisa ng mga residente ng General Mariano Alvarez (GMA), Cavite sa kampanya ni Senatorial Candidate #53 Pastor Apollo C. Quiboloy, na isinusulong ang adbokasiyang nakatuon sa pag-asa para sa bayan at reporma para sa kinabukasan.
Sa ginanap na pagtitipon ngayong araw, ipinakita ng mga taga-GMA ang kanilang pagtanggap at suporta sa mga plataporma ni Pastor Quiboloy na nakasentro sa Zero Corruption, makataong pamumuno, at pagpapalakas sa boses ng karaniwang mamamayan.
Kasama rin sa rally ang mga pambato ng PDP-Laban slate na patuloy na pinagtitibay ang layunin ng kilusan: Ayusin ang Pilipinas mula sa ugat ng mga problema.
Ayon sa ilang lumahok sa aktibidad, ramdam nila ang sinseridad ng mga kandidato sa ilalim ng kilusang Ayusin Natin ang Pilipinas, at naniniwala silang si Pastor Quiboloy ay isang lider na may tapang, prinsipyo, at malasakit sa mga Pilipino.