Gobyerno hinimok na pakinggan ang panawagan ng OFWs sa “Zero Remittance Week”

Gobyerno hinimok na pakinggan ang panawagan ng OFWs sa “Zero Remittance Week”

SA loob ng mahabang panahon, kinikilala ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) bilang mga “Bagong Bayani” dahil sa kanilang malaking kontribusyon, partikular sa pagpapalakas ng ekonomiya ng bansa.

Gayunpaman, ayon kay Prof. Froilan Calilung, isang political analyst, para saan pa’t sila’y tinawag na “Bagong Bayani” kung hindi naman binibigyang halaga ang kanilang mga opinyon at hinaing, lalo na sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

“For the longest time ang ating pamahalaan laging sinasabi sila ‘yung mga Bagong Bayani, sila ‘yung mga nagdadala sa atin ng economic stability in the form of remittances. So, that being said, I think the government should also listen to them, kasi para saan pa’t naging Bagong Bayani sila kung para lamang sa titulo na tagapasok lamang sila ng mga pera, taga-contribute lang sila sa ating ekonomiya,” pahayag ni Prof. Froilan Calilung, Political Analyst.

Sisimulan ng mga OFW ang “Zero Remittance Week” sa darating na Marso 28—isang kilos-protesta bilang pagpapahayag ng kanilang pagkadismaya sa administrasyong Marcos Jr.

Partikular nilang kinokondena ang ilegal na pag-aresto at pagpapadala kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.

Ayon kay Prof. Calilung, ito ay isang makasaysayang hakbang dahil sa kauna-unahang pagkakataon, isinasagawa ng mga OFW ang ganitong uri ng protesta—isang patunay ng kanilang matibay na suporta at pagpapahalaga sa dating Pangulo na kanilang pinaniniwalaang may malasakit sa bayan.

“Kung titingnan natin as far as I could recall, this is the first time that this kind of action will take place if ever this will materialize. I think hindi pa ito nagagawa in the past, and I think ang pinapakita dito ng ating mga kababayan na OFW’s ay ‘yung kanilang hindi lang simpatiya, pero I think matinding pagtanaw ng utang na loob sa mga nagawa ng dating Pangulo particularly kung paano niya nga ginawa na mas safer ang ating lipunan noong kaniyang panunungkulan,” ayon pa kay Calilung.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble