Green Recreational Park, binuksan na sa publiko

Green Recreational Park, binuksan na sa publiko

OPISYAL nang pinasinayaan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at lokal na pamahalaan ng Muntinlupa ang Urban Green Space and Recreational Park sa Bayanan bilang bahagi ng Adopt-a-Park Project ng MMDA.

Pinangunahan nina MMDA acting chair Carlo Dimayuga III at Muntinlupa City Mayor Rozzano Rufino Biazon ang inauguration at blessing sa parke.

Ayon kay Dimayuga, ang proyektong ito ay patunay ng productive collaboration sa pagitan ng local government units at national agencies.

Saad naman ni Biazon, ang pagpatatayo ng parke na ito ay bahagi ng 7K Agenda at centerpiece ng kanyang administrasyon.

Kabilang sa 7K ay ang kabuhayan (livelihood), kalusugan (health), karunungan (knowledge or education), kaunlaran (progress), kapayapaan/kaayusan (peace and order), katarungan (justice) at kalikasan (environment).

Follow SMNI NEWS in Twitter