LAGPAS na sa P700-M ang pinaghalong gross ticket sales ng 10 kalahok na pelikula sa 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF), apat na araw bago matapos ang film festival.
Ayon kay MMFF Chairman Atty. Don Artes, nakamit na anila ang target para sa nabanggit na film festival at inaasahan nilang madadagdagan pa ang kita sa susunod na mga araw.
Dahil sa resulta ng 2023 MMFF, naniniwala si Artes sa posibilidad na malalampasan sa mga susunod na taon ang P1.061-B na gross sales noong 2018.
Samantala, ipinahayag ni Artes ang posibilidad na mas bababa ang presyo ng mga movie tickets para sa taong 2024 matapos aniya’y nagpulong-pulong ang ilang miyembro ng MMFF Executive Committee na miyembro din ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP).