KASAMA sa iimbestigahan ngayon ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang grupong Gabriela Women’s Party at Bayan Muna Partylist.
Kasunod ito ng pagkakarekober ng mga pera, pampasabog, mga di rehistradong baril at mga paraphernalia mula sa Gabriela at Bayan Muna Partylist matapos mahuli ang anim na mga opisyal ng CPP-NPA sa operasyon ng mga otoridad sa Quezon City at Bulacan.
BASAHIN: 6 communist terrorist kabilang ang mataas na opisyal, nahuli ng CIDG
Ito’y sa pangunguna ni CIDG Chief Police Major General Albert Ferro.
Nakuha sa mga rebelde ang malalaking tarpaulins at leaflets ng Gabriela at Bayan Muna na sa tingin ng mga otoridad ay gagamitin bilang election paraphernalia.
Paalala ni General Ferro sa publiko, maging maingat at mapagmatyag sa pakikipagsalamuha sa mga kasapi ng makakaliwang grupo lalo na ngayong panahon ng eleksyon.
Napag-alaman na sangkot ang anim na mga rebelde sa iba’t ibang krimen lalo na sa rehiyon ng Cagayan.
Nahaharap ngayon ang mga suspek sa patung patong na kasong kriminal.