Guerilla base ng NPA sa Davao del Sur, biniyayaan ng ilaw mula sa pamahalaan

Guerilla base ng NPA sa Davao del Sur, biniyayaan ng ilaw mula sa pamahalaan

LUBOS ang pasasalamat ng mga taga Sitio Latil, Brgy Abnate, Kiblawan, Davao del Sur dahil sa liwanag na dala ng pamahalaan sa kanilang lugar.

Isa lamang ang Sitio Latil, Brgy Abnate, Kiblawan, Davao del Sur sa marami pang mga lugar sa bansa na hanggang ngayon ay hindi pa kailanman nakakaranas ng liwanag sa bawat nitong mga tahanan

Bukod sa dekadang pagtitiis ng madilim na mga gabi sa kanilang mga tahanan, nabalot din ang kanilang mga lugar sa mapapait na karanasan mula sa kamay ng mga komunistang grupo na CPP-NPA.

Ngayon, nabiyayaan ng liwanag mula sa pamahalaan ang dating guerilla base ng mga armadong grupo sa Davao del Sur.

Sa pakikipagtulungan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng Davao del Sur at 39IB na pinangungunahan ng Inter-Agency Community Development Project “Liliwanag Latil”, napiling benepisyaryo ng programa ang Sitio Latil, Brgy Abnate, Kiblawan, Davao del Sur.

Umabot sa 35 kabahayan ang nakatanggap ng solar powered lights.

Ang Project “Liliwanag Latil” ay nasa ilalim ng programang Ending Local Communist Armed Conflict na layong bigyan ng sapat na kasanayan at kaalaman sa solar panel installation partikular na sa mga liblib na lugar sa nasabing rehiyon.

Ayon sa Philippine Army, karaniwang ginagamit ng mga komunista ang mga pinakamahirap na lugar sa bansa para kanilang abanse.

Sa katunayan, ginawang hide out ng guerilla group ng NPA ang Sitio Latil sa napakahabang panahon.

Bukod sa kakulangan sa suplay ng kuryente, problema din ang walang maayos na daan sa lugar.

Ayon kay TESDA Davao del Sur Instructor, Ms Gina Sabellano, mahalagang hakbang ito para sa bagong pag asa at bagong buhay sa kanilang lugar.

“I hope that this activity is a “light and hope” to bring social care to Latil and Geographically Isolated and Disadvantaged Areas vulnerable from conflict,” pahayag ni Sabellano.

Personal na hinimok ni Kiblawan Mayor Jason Rama ang kanyang mamamayan sa kahalagahan ng kapayapaan at tuluyang pagkondena sa CPP NPA.

“The peace and development efforts through the convergence of different line agencies of the government is a clear manifestation that our government is serious on its campaign in ending this local communist armed conflict,” ayon kay Rama.

“We will continue to strive for the government programs to reach the most remote communities because through this we can protect our IP brothers and sisters from the propaganda and deception of the Communist Terrorist Group,” dagdag ng alkalde.

Samantala, pinasalamatan din ng barangay ang mga programa ng pamahalaan dahil sa pagsusumikap nitong abutin ang mga nasa laylayan sa gobyerno at tuluyang mailayo ang mga ito programang pangkapayapaan at kaunlaran sa mga komunidad.

“We thank the government for their unending support to help the IP communities. We are now enlightened that only the government programs and services can help us achieve lasting peace and prosperity,” pahayag ni Datu Rogelio Bulani, Sitio leader ng Latil Barangay Abnate, Kiblawan, Davao del Sur.

SMNI NEWS