Gwen Garcia, pinatawan ng 6-buwang preventive suspension ng Ombudsman

Gwen Garcia, pinatawan ng 6-buwang preventive suspension ng Ombudsman

Maynila, Pilipinas – Inilabas ng Office of the Ombudsman ang isang preventive suspension order laban kay Cebu Governor Gwendolyn “Gwen” Garcia, na tatagal ng anim na buwan habang iniimbestigahan ang mga reklamo laban sa kanya.

Kabilang sa mga kasong isinasangkot kay Garcia ay ang:

Grave abuse of authority

Gross neglect of duty

Serious misconduct

Conduct prejudicial to the best interest of the service

Paglabag sa Republic Act No. 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees

Ayon sa Ombudsman, ang preventive suspension ay kinakailangan upang hindi maimpluwensyahan ang imbestigasyon habang tinatalakay ang mga reklamo.

Samantala, isang dismissal order naman ang inilabas laban kay Albay Governor Edcel Greco Alexander Lagman kaugnay ng kasong grave misconduct na isinampa laban sa kanya noong nakaraang taon. Hindi pa malinaw kung agad ipapatupad ang nasabing kautusan, ngunit inaasahan na ito’y magreresulta sa pag-alis niya sa puwesto.

Wala pang opisyal na pahayag mula sa kampo nina Garcia at Lagman sa oras ng paglalathala ng balitang ito.

“Ang layunin ng preventive suspension ay upang mapanatili ang integridad ng imbestigasyon at masiguro na walang panghihimasok mula sa mga respondent habang ginaganap ang legal na proseso,” pahayag ng opisina ng Ombudsman.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble