Habagat opisyal nang nagsimula sa bansa—PAGASA

Habagat opisyal nang nagsimula sa bansa—PAGASA

OPISYAL nang idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat Season sa bansa nitong Biyernes, Mayo 30, 2025.

Sa mga nagdaang araw, naitala ang tuloy-tuloy na pagdaloy ng southwesterly winds sa kanlurang bahagi ng Luzon, kasabay ng frontal system na dumadaan sa pinakahilagang bahagi ng Luzon.

Dahil dito, inaasahan ang pag-ulan, partikular sa kanlurang bahagi ng bansa, na maaaring magdulot ng malakas na pag-ulan at pagbulusok ng thunderstorms.

Pinaalalahanan ng PAGASA ang publiko na maging maingat dahil sa posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa dulot ng Habagat.

Bagamat hindi pa tuluyang dumarating ang tag-ulan, inaasahan na maaaring magsimula ito sa loob ng susunod na dalawang linggo.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble