Hakbang ng BIAF-MILF laban sa peace-spoiling activities, kinilala ng DND

Hakbang ng BIAF-MILF laban sa peace-spoiling activities, kinilala ng DND

KINILALA NG Department of National Defense (DND) ang hakbang ng Bangsamoro Islamic Armed Forces – Moro Islamic Liberation Front (BIAF-MILF) laban sa peace-spoiling activities.

Malugod na tinanggap ng Department of National Defense ang direktiba ng BIAF-MILF sa kanilang mga opisyal at miyembro laban sa pagsali sa mga aktibidad upang guluhin ang kapayapaan at kaayusan.

Alinsunod ito sa Memorandum No. 25-2023 na inilabas ni Sammy Al Mansoor, Chief of Staff ng BIAF-MILF.

Nakasaad din na sinuman ang mapatunayang sangkot sa kaguluhan na may kaugnayan sa family feud o political rivalry ay matatanggal sa BIAF-MILF.

Ayon kay Defense spokesperson Arsenio Andolong, ang direktiba ay nagpapakita ng commitment ng pamunuan ng MILF na itaguyod at ipagpatuloy ang Bangsamoro peace process.

Ang hakbang din aniya ng BIAF-MILF ay nagbibigay-daan sa security sector sa kanilang pagpapatupad ng mga programang pangkapayapaan at pag-unlad lalo na sa Mindanao.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble