Halos 15.68-K na insidente ng sunog, naitala simula Enero-Disyembre 2023—BFP

Halos 15.68-K na insidente ng sunog, naitala simula Enero-Disyembre 2023—BFP

AABOT sa halos 15,680 (15,679) na insidente ng sunog ang naitala ng Bureau of Fire Protection (BFP) simula Enero 1 hanggang Disyembre 26, 2023.

Mas mataas ang naitala na mga insidente ngayong taon kumpara sa 12-K lang noong 2022 ayon kay BFP Spokesperson Fire Superintendent Annalee Atienza.

Aniya, madalas na nangyayari ang mga sunog sa residential areas dahil hindi ito saklaw sa fire code kung saan isinasagawa ang taunang fire safety inspection.

Samantala, madalas na sanhi ng sunog ang electrical ignition dahil sa loose connection at arching; maging ang smoking o pagsindi ng sigarilyo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble