INAASAHANG tataas pa ang heat index sa paparating na namang long weekend.
May mas iinit pa sa naitalang 47 degrees celcius na itinalang highest heat index mula sa March 1-April 20 ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ngayong paparating na long weekend.
Ayon kay Dr. Marcelino Villafuerte II, division chief ng PAGASA Climate Impact and Application Section Climatogy and Agrometeorology, inaasahan na ang matataas na heat index sa buwan ng Mayo.
Aniya, nasa 55 degrees celcius ang pinakamataas na heat index ng nakaraang taon noong May 1 sa Dagupan City.
Paglilinaw ni Villafuerte na wala pa tayo sa El Niño, dahil mararamdaman pa ito ngayong June, July, at August.
Samantala, pinaliwanag naman niya kung bakit malalakas na bagyo ang karaniwang dumarating sa bansa tuwing may El Niño.
Ang matinding init na nararamdaman ay bunsod ng easterlies, na nagdadala ng mainit na hangin mula sa Karagatang Pasipiko.
Ayon pa kay Villafuerte magkakaroon pa rin ng pag-ulan sa gitna ng El Niño.
Dagdag pa ni Villafuerte, mararamdaman ang epekto ng El Nino na kakulangan sa pag-ulan, sa first season ng susunod na taon.
Paulit-ulit na paalala ng mga eksperto, iwasan ang prolong sun exposure, uminom ng maraming tubig at gumamit ng panangga sa init gaya ng payong at sumbrero.