Higit 100 OFWs galing Macau, tinulungan makauwi ng pamahalaan – DMW

Higit 100 OFWs galing Macau, tinulungan makauwi ng pamahalaan – DMW

NAKAUWI na sa bansa ang nasa 120 overseas Filipino worker (OFWs) galing Macau na tinulungan ng gobyerno ng Pilipinas sa pamamagitan ng chartered flight ng Philippine Consulate General from Macau.

Sa pamamagitan ng chartered flight ng Philippine Consulate General from Macau, nakauwi na nga sa bansa ang mga OFW.

Sakay ng Philippine Airlines Flight PR8353 na lumapag sa NAIA Terminal 2 ay nakabalik sa bansa ang mga OFW mula Macau nitong Biyernes.

Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Toots Ople, nilakad din ng pamahalaan na makauwi ang mga OFWs sa kani-kanilang mga probinsya.

Ani Ople, karamihan sa mga OFW na umuwi sa bansa ay nakatapos na ng kani-kanilang kontrata habang ang iba ay umuwing may medical condition.

Sampung OFW na nangangailangan ng medikal na atensyon ang agad na binigyan ng tulong ng airport at mga medical team mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Kabilang dito ang mga OFW na pasyenteng dumaranas ng renal failure, depresyon, stroke, at iba pang health condition na tinulungan at binigyan ng medical referrals ng OWWA.

Bukod pa dito ayon sa DMW kasama sa chartered flight ang pagpapauwi sa mga labi ng tatlong OFW.

Dalawa ang pumanaw dahil sa inatake sa puso habang ang isa naman ay namatay dahil sa isang aksidente na may kaugnayan sa trabaho.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Ople sa DFA at PCG-Macau sa charted flight.

Tiniyak din ni Ople na ang DMW ay patuloy na makikipagtulungan sa DFA sa paglilingkod sa mga kababayan sa ibayong dagat.

“We thank the DFA and PCG-Macau for chartering this special flight. The DMW will continue to work closely with the DFA in serving our compatriots overseas,” pahayag ni Ople.

Samantala, naging mabigat ang pagsalubong ni Migrant Workers Usec. Hans Leo Cacdac at OWWA Administrator Arnell Ignacio kay Margin mula sa bansang Singapore kahapon sa NAIA Terminal 2.

Umuwi si OFW Margin dahil ang kanyang 13-year old na anak ay biktima ng rape na nangyari sa kanilang bayan sa Iloilo.

Mula NAIA ay uuwi pa ng Iloilo ang nasabing OFW para tutukan ang kaso ng kaniyang anak.

Nagbigay naman ng katiyakan ang DMW at OWWA kay OFW Margin na gagawin ang kanilang makakaya upang makamit ng kaniyang anak ang isinisigaw na hustisya.

Follow SMNI News on Twitter