SINUYOD ng mga tauhan ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) ang dalawang taniman ng marijuana sa Barangay Bugnay at Barangay Ngibat sa Tinglayan, Kalinga.
Ayon kay PDEG director Police Brigadier General Narciso Domingo, sinira nila ang nasa 112,400 fully-grown marijuana plants na may standard drug price na mahigit 22.4 milyong piso.
Nag-spray din sila ng kemikal sa 5,620 square meters na lupain upang hindi na itong mataniman ng marijuana.
Bigo namang mahuli ang mga nasa likod ng nasabing taniman.
Agad inatasan ni General Domingo ang kanilang tauhan na bilisan ang pagtukoy sa mga marijuana cultivator upang mapanagot sila sa batas.