MULING dinalaw ng mag-inang Honeylet Avanceña at Kitty Duterte si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa loob ng detention center ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.
Ayon kay Avanceña, unti-unti nang nakakapag-adjust si dating Pangulong Duterte sa buhay sa loob ng piitan, kabilang na ang mga pagkaing inihahain sa kaniya.
Nabanggit din niya na marami nang naging kaibigan ang dating Pangulo, kabilang ang ilang empleyado ng ICC.
“I think, ma-presidente na siya dira. Mga guards have been assuring me, ‘Do not worry. We are taking care of him,’” saad ni Honeylet Avanceña (common-law partner ni FPRRD).
Sinabi ni Avanceña na sa kabila ng ginawang aksiyon laban kay Duterte, nananatili itong kalmado at hindi kailanman nagalit. Ayon sa kaniya, sa kabila ng sitwasyon, “very presidentiable” pa rin ang ugali ng dating Pangulo at nananatiling matatag sa harap ng pagsubok.
Honeylet, nakita ang positibong epekto ng mga hakbang ng administrasyong Marcos laban kay FPRRD
Ayon kay Avanceña, may positibong epekto rin ang nangyari kay Duterte, na taliwas sa inaasahan ng mga kumakalaban sa kaniya.
“Actually, this one is win-win ni sa iyaha eh. Nakita niyo naman. Akala nila that will put him down. Mali sila. Wrong move.”
“Sabi nga niya na ‘yung opponent niya, wala na talaga. Down, zero politically wala na. Kasi. Nagkamali nga sila eh. I told him you are more popular now than when you are the president.”
“You made that world record, worldwide celebration ng birthday mo,” dagdag ni Avanceña.
Dating Pangulong Duterte, hindi kailanman nagkaroon ng personal na interes
Muli namang inalala ni Avanceña ang mga sakripisyong ginawa ni dating Pangulong Duterte noong panahon ng kaniyang panunungkulan.
Aniya, hindi kailanman naghangad ng personal na interes si Duterte. Ang tanging layunin nito ay mapaunlad ang bansa at mapabuti ang buhay ng mga Pilipino.
“All he cared for was about his country and about his countrymen. Alam niyo iyan.”
“This is his sacrifice for all of you to know what is happening.”
“At least nagkaroon tayo ng presidente na hindi nagkaroon ng personal interest. He did not think na magbulsa siya ng pera. He never, not a single centavo, napag-isipan… ang sa kaniya he took his oath seriously. Ginawa niya ang lahat para sa mga Pilipino,” aniya.
Kapalaran ng mga nasa likod ng ilegal na pagkakaaresto kay FPRRD, ipinaubaya ni Honeylet sa Diyos
Aminado si Avanceña na marami siyang katanungan sa Diyos tungkol sa sinapit ng dating Pangulo.
“To be honest with you, mangutana ko sa Ginoo. ‘Ngano man Lord?’ Daghan ko ug question mark. Buti sana kung naging tarantado, magnanakaw, bangag. Nagtinarong eh. Wala nag-abuso katong time. There was no air about him tung presidente siya,” giit nito.
Sa kabila nito, ipinauubaya na lamang ni Avanceña sa Diyos ang kapalaran ng mga taong may kinalaman sa umano’y ilegal na hakbang laban kay Duterte.
“I will just let God do the revenge for us. Hanggang sa apo ng apo ng apo nila, hanggang doon ang parusa ng Diyos sa kanila. Diyos na ang bahala sa kanila. Hindi nila matakasan iyan.”
“They will never be given a chance to the Filipino people,” aniya.
Hinimok din ni Avanceña ang mga taga-suporta ni Duterte na ipagpatuloy ang kanilang panalangin, dahil aniya, nakikinig ang Diyos.
Sa nakalipas na mga linggo, patuloy pa rin ang panawagan ng iba’t ibang sektor sa Pilipinas at sa buong mundo na pauwiin na si dating Pangulong Duterte sa bansa.
Follow SMNI News on Rumble