Hustisya, sigaw ng KOJC sa National Day of Protest ng Maisug Rally

Hustisya, sigaw ng KOJC sa National Day of Protest ng Maisug Rally

MATAPANG at buong puwersang sigaw ng mga miyembro at supporter ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa ginawa nilang paglahok sa National Day of Protest nitong Linggo, Hunyo 30, 2024.

Ang kanilang paghingi ng hustisya ay dahil sa bayolente at hindi makatarungang paglusob ng ginawa ng mga awtoridad sa limang religious compounds nito noong Hunyo 10 na walang dalang search warrant.

Ang mga gate ay puwersahang sinira, ang mga bata, kababaihan at kabataan ay sinaktan.

Ang mga religious compounds na itinuturing na holy ground at tirahan ng KOJC workers at members, inihian at dinuraan ng mga lumusob.

Trauma at kamatayan ng ilang miyembrong IP ang naging epekto ng illegal search ng mga armadong kapulisan.

“Ayon sa dati nating Pangulo na si PRRD, na siya ring Property Administrator ng KOJC, sabi niya na ang June 10 is the Day of Infamy. Isipin niyo limang religious compounds ng KOJC ang sabay-sabay nilang nilusob ng madaling araw. Sabay-sabay na nilusob ang 5 religious compounds, upang isagawa ang illegal search sapagkat wala silang search warrant. Walang kalaban-laban ang mga inosenteng mga kapatiran namin, inatake ng 2 battalion ng mga pulis. Special Action Force (SAF) at ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG). Walang awang inatake at nilusob ang aming mga inosenteng kapatiran. Ang akala nating magtatanggol at proprotekta sa amin ay siyang nanakit ng mga kabataan, mga kababaihan, nanira ng mga gate at pintuan at kanilang ginulo ang aming payapang pamumuhay noong Hunyo 10, 2024,” giit ni Ricky Fuentes, KOJC Minister.

Sa kabila into, tikom ang bibig ng Pangulong Marcos Jr. kaya ang tanong ng grupo, kanino galing ang utos na salakayin at saktan ang mga inosenteng tao?

“Hanggang ngayon, 24 araw na ang lumipas, wala pa ring imik ang ating Presidente. Hindi ba mahalaga sa kaniya ang buhay ng mga inapi at nasaktan na mga bata? Pati ang ating mga katutubo at B’laan sa Kitbog at Tamayong? Sino ang may pahintulot, na gawin ito sa amin? Bakit kailangan [maging] bayolente ang pag-serve ng warrant at gawing marahas. Hindi ba ito ay isang religious at political persecution? May thumbs o approval ba ito ng Pangulo?” giit pa ni Fuentes.

Hindi rin pinalampas ng KOJC ang paglalahad kung ano ang dinanas ni Pastor Apollo Quiboloy at ng SMNI sa pagtindig sa tama.

 “Ang KOJC at si Pastor Apollo Quiboloy ay wala pong ginawang masama. Bagkus, nanindigan at nakipaglaban sa CPP, NPA, NDF. Tumayo laban sa kurapsyon. Ngunit nakita natin ang ginawa, di ba ‘yan ay panggigitpit at paninikil sa karapatang pantao? Pati SMNI, isang network na ang layunin ay para sa nation building, 2023 pa ay pilit na pinapatahimik ng mga mambabatas na nasa ating harapan. Ganito pala ang kabayaran para sa pagtayo sa katotohanan.  Is it the price to pay for standing for the truth?” dagdag pa nito.

Sa kabila nito, ang mga nakaupo sa gobyerno at ang mga law enforcment unit idinalangin ng KOJC sa naturang peace rally.

“Kaya dalangin namin bilang religious community, na dapat patnubayan ng Diyos ang ating mga namumuno.  Mga government leader na lumakad at mamuno na ayon sa kalooban ng Diyos. Dalangin namin na isantabi na ang personal na interest para sa kabutihan ng bayan. Hinihiling din natin sa makapangyarihang Ama na magkaroon ng discernment ang ating mga tagapagtanggol. Mga pulis, militar mga uniformed personnel, idalangin natin sila na pagkalooban sila ng spirit of discernment ng ating Ama maitanim sa kanilang puso ang isang moral compass upang makilala ang tama at mali. Bigyan rin sila ng lakas ng loob na tumanggi dahil sa blind obedience. Kapag ang pagsunod sa awtoridad ay magkasalungat sa mga prinsipyo ng batas at moralidad.  Sa ngalan rin ng aming spirtual leader na si Pastor Apollo Quiboloy, patuloy ang mga panawagan namin para sa hustisya,” dalangin ng KOJC.

Ang ilang personalidad na nasa rally, di rin naiwasang hindi makisimpatiya sa KOJC.

Ayon kay Vivian Velez – si Pangulong Marcos ay mangagamit at walang utang na loob.  

“Sino ang unang ginurgur nila noong nakaupo na sila?  Diba si Sara, ‘yong kanilang mga black propaganda. At sino pa?  Si Pastor Quiboloy. Siyempre ang SMNI ang inuna nila. Bakit, siyempre ang SMNI ang nagsasabi ng totoo. Ayaw nilang mabuko. Mga walang utang na loob. Mga walang utang na loob. Mga kampon ni Satanas,” giit ni Vivian Delez, Co-Convenor, Marcos Resign Movement.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble