Iba’t ibang grupo, nagbunyi sa tuluy-tuloy na pagkatalo ng CTG

Iba’t ibang grupo, nagbunyi sa tuluy-tuloy na pagkatalo ng CTG

NAGSAGAWA ng Grand Mobilization Peace Rally ang iba’t ibang grupo sa Plaza Miranda sa Quiapo Manila upang ipahayag ang kanilang pagkondena sa teroristang grupong New People’s Army (NPA).

Layon ng kanilang pagkakaisa ay upang ipakita sa teroristang grupo na isinusuka na sila ng mamamayang Pilipino.

Ang nabanggit na rally ay may temang “Itakwil at labanan ang 54-taong kataksilan at ilantad ang panlilinlang ng teroristang CPP-NPA-NDF! Wakasan ang armadong terorismo!”

Pinangunahan naman ito nina Bishop Nilo Tayag – Founding Secretary General of the Central Committee of the Communist Party of the Philippines (CPP), Peter Mutuc – First Quarter Storm Organizer, Head Convenor of the Kilusan ng Pagwawasto sa Kasaysayan, at ang dating kadre ng CPP-NPA na si Jeffrey ‘Ka Eric’ Celiz.

Ayon kay Ka Peter Mutuc, hindi nila sine-celebrate ang anibersaryo ng NPA kundi nais lamang nilang itama ang kasaysayan na matagal nang itinatago ng rebeldeng grupo kaya sa Plaza Miranda nila ginawa ang grand rally.

Para naman may Ka Eric, masarap sa pakiramdam na ngayon ay marami na ang mga tunay na Pilipino na tumatayo sa katarungan na tunay na naghahanap ng kapayapaan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter