NAIPANALO ngayong araw ng pambato ng Pilipinas sa women’s soft tennis ang ika-25 gold medal ng bansa sa Southeast Asian (SEA) Games.
Ito ay matapos talunin ng Team Philippines na binubuo nina Christy Sañosa, Princess Catindig, Fatima Amirul at Virvienica Bejosano ang Indonesia sa iskor na 3-0.
Samantala, nakuha naman ngayong araw nina Im Paulo Bersamina at Im Jan Emmanuel Garcia ang bronze medal para sa Ouk Chatrang men’s doubles 60 minutes sa nagpapatuloy na SEA Games.
Sa medal tally ng SEA Games 2023, nasa ikaapat na puwesto na ang Pilipinas na may 106 na medalya kung saan 25 dito ang gold, 39 silver, at 42 bronze.