NAIPADALA na ng India sa Pilipinas ang ikalawa sa tatlong batch ng BrahMos cruise missiles, isang taon matapos maideliver ang unang batch.
Tatlong missile batteries ang inaasahang makukumpleto sa ilalim ng P18.9B kontrata sa BrahMos Aerospace Private Ltd.
Bahagi ito ng shore-based antiship missile system ng Philippine Navy.
Ang Pilipinas ang ikatlong bansa sa Southeast Asia na nagmamay-ari ng ganitong sistema, kasunod ng Indonesia at Vietnam.