NAKAHANDA na ang pamunuan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa pagdagsa ng mga pasahero ngayong Semana Santa. Kasabay ng Holy Week at tag-init, may mga paalala ang mga airline.
Mula Abril 13–20, 2025, bukod sa 24/7 Help Desks sa NAIA Terminal 2, naglabas din ang AirAsia ng bagong patakaran sa pagdadala ng power banks.
Ayon kay AirAsia Philippines CEO Ricky Isla at First Officer Steve Dailisan, Communications and Public Affairs Head, mahalaga ang pagiging konektado ng mga pasahero, ngunit kailangan din ang pag-iingat sa paghawak at pag-iimbak ng power banks.
Pinaalalahanan ng AirAsia na pinapayagan lamang ang mga power banks na mayroong 100 watt-hours (Wh) pababa. Ang mga device na may 100Wh hanggang 160Wh ay nangangailangan ng pahintulot mula sa airline sa check-in counter.
Dito pa lang sa check-in counter, nagtatanong na ang mga airline crew kung may dala kang mga baterya, lalo na ang mga power banks. Dahil may mga patakaran ang mga airline tungkol sa pagdadala ng mga electronic device.
Mahalagang paalala sa pagdadala ng power banks
- Ang mga power banks ay dapat itago sa ilalim ng upuan o sa bulsa ng upuan.
- Ipinagbabawal ang paglalagay ng power banks sa overhead compartment.
- Ipinagbabawal ang paggamit ng power banks sa buong byahe.
- Ipinagbabawal ang paggamit ng power banks sa pagcha-charge ng ibang electronic devices habang nasa byahe.
- Ipinagbabawal ang paglalagay ng power banks sa check-in baggage; dapat dalhin sa cabin.
Follow SMNI News on Rumble