MAGKAKAROON ng deployment sa ilang top officials ang Department of Human Settlements and Urban Developments (DHSUD).
Partikular na mai-deploy ay ang mga undersecretary, assistant secretary at director.
Hakbang ito ng ahensiya upang ma-monitor ang konstruksiyon ng mass housing at para makapang-akit ng maraming partners lalong-lalo na ang mga local government unit (LGUs).
Sa ngayon ay nasa 30 housing projects ang ginagawa sa iba’t ibang lugar sa bansa at nasa 195 na LGUs ang nagpahayag ng kanilang kagustuhan na sumali sa mass housing projects.
May ilang private at government financial institutions naman ang sumusuporta na sa mga proyekto.