KAILANGANG mag-angkat ng mga dairy animal upang matugunan ang mababang produksyon ng gatas sa bansa.
Ito ang binigyang-diin ni National Dairy Authority Administrator Atty. Marcus Antonius Andaya.
Aniya, hindi naman daw kasi pangunahing hayop ng Pilipinas ang mga dairy animal.
Plano naman ng NDA na ang mga inangkat na baka ay ilalagay sa mga stock farm at mga multiplier farm at doon paparamihin.
Ibinahagi ni Andaya na madalas nag-i-import ang Pilipinas sa New Zealand at Australia.
Sa ngayon, mayroon mga ‘ongoing procurements’ ang NDA na dairy animals na manggagaling sa Australia.
Umaasa naman ang National Dairy Authority na pagsapit ng 2028, maabot na nila ang 5 percent milk sufficiency kung saan makakapag-produce na ang bansa ng nasa 18 milyong litro ng gatas kada taon.
Nabatid na nasa mahigit one percent lang ang milk sufficiency ng bansa, na napakamalayo kumpara sa ibang bansa gaya halimbawa ng Vietnam na nasa 40 to 45 percent.
Follow SMNI News on Rumble