DAHIL sa patuloy na pananalasa ng Bagyong Kristine, nasa 200-K (221,079) pamilya na ang naapektuhan nito o katumbas ng isang milyon (1,039,504) na indibidwal.
Batay ito sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) as of 8 PM, Oktubre 23, 2024.
Bagamat ‘for validation’ pa, 3 ang naiulat na nasawi; 6 ang missing; at 1 ang injured.
Sa update naman ng Philippine Coast Guard (PCG) as of 8 PM rin nitong Miyerkules, mahigit 5K (5, 130) na mga pasahero at drivers ang stranded sa iba’t ibang pantalan dahil pa rin sa Bagyong Kristine.
Stranded din ang halos 2K (1, 910) rolling cargoes.
Mayroon ding higit 100 (145) vessels at halos 70 (69) motorbancas ang hindi pinayagang makapaglayag.
Pansamantala namang sumilong ang nasa higit 300 (357) vessels at 300 (303) rin na motorbancas para makaiwas sa posibleng epekto ng bagyo.
Samantala, nagkaroon ng lahar flow sa tatlong lugar sa Albay dahil sa malakas na ulan na dala ng Bagyong Kristine.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), namonitor nila ang lahar flow sa Masarawag, Guinobatan; Binitayan, Daraga; at Anoling, Camalig.
Ilang sasakyan at bahay ang natabunan ng naturang lahar flow.