Information caravan, isinagawa ng Anti-Terrorism Council sa AFP NolCom

Information caravan, isinagawa ng Anti-Terrorism Council sa AFP NolCom

MAINIT na tinanggap ni AFP Northern Luzon Command (NoLCom) commander Lieutenant General Fernyl Buca ang pagbisita ng Anti-Terrorism Council (ATC) sa Camp Aquino, Tarlac.

Ito ay upang magsagawa ng Anti-Terrorism Act of 2020 (ATA2020) Caravan.

Ang delegasyon ay pinangunahan ni Anti-Terrorism Council Program Management Center (ATC-PMC) Executive Director Undersecretary Abraham Purugganan.

Nilahukan ng 100 kinatawan mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), at Local Government Units (LGUs) ang information caravan na layuning mapalakas ang kooperasyon sa pangangalaga sa karapatang pantao.

Pinasalamatan ni AFP NolCom chief of unified command staff Colonel Romulus Joseph Canieso ang delegasyon ng ATC lalo’t mahalagang mayroong sapat na kaalaman at impormasyon upang malabanan ang terorismo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble