ISINUSULONG ni Department of Science and Technology (DOST) Sec. Renato Solidum ang pagkakaroon na ng integrated land use plan.
Ninanais din ng DOST na maayos na sanang maipatupad ang mga batas na may kaugnayan sa disaster risk reduction ng bansa.
Ito’y para matugunan ang pagiging no. 1 muli ng Pilipinas sa ikatlong pagkakataon sa 2024 highest World Risk Index ng International Law of Peace and Armed Conflict report ng Ruhr-University Bochum sa Denmark kamakailan.
Sa World Risk Index, 46.91 ang nakuha na score ng Pilipinas at sinundan ito ng Indonesia na may 41.13.
Pangatlo ang India na may 40.96, Colombia na may 37.81 at pang-lima ang Mexico na may 35.93.
Batayan ng pag-aaral ang exposure ng populasyon sa iba’t ibang epekto gaya ng lindol, tsunami, pagbaha, bagyo, tagtuyot, at pagtaas ng sea level.