Isang babae sa Talisay, Cebu, nahulog at natusok ng bakal dahil sa kalasingan

Isang babae sa Talisay, Cebu, nahulog at natusok ng bakal dahil sa kalasingan

MASUWERTENG nakaligtas ang isang babae na nahulog sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Nagtamo lamang ito ng sugat sa ulo at tagiliran dahil sa saktong nahulog ito kung saan may nakausling bakal.

Kinilala ang biktima na si Junavle, 36 anyos at residente ng Sitio Krusan, Barangay Bulacaom, Talisay City.

Ayon sa pamilya ng babae, lasing at deretso itong umakyat sa terrace ng ikalawang palapag ng bahay para magsuka pero aksidente itong nahulog sa kabilang bahay.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble