Isang extinct na uri ng lobo nabuhay muli matapos ang 12.5K taon

Isang extinct na uri ng lobo nabuhay muli matapos ang 12.5K taon

NABUHAY muli ang isang uri ng lobo na naging extinct na sa nakalipas na 12,500 taon.

Ayon sa Dallas-based biotech company na Colossal Biosciences, nakalikha ang kanilang mga siyentipiko ng tatlong anak ng ‘dire wolf‘ sa pamamagitan ng paggamit ng sinaunang DNA mula sa dalawang fossils nito.

Sa pamamagitan ng gray wolf, gumamit na rin sila ng cloning at gene-editing technology upang mabago ang genes nito.

Ang gray wolf naman ang pinakamalapit na kamag-anak ng sinaunang dire wolf.

Sa pahayag ng co-founder at CEO ng Colossal, ito na ang napakalaking milestone na nagpapatunay na gumagana ang kanilang ginagawang de-extinction technology stack.

Maliban sa dire wolf, tinatrabaho rin ng Colossal na mabuhay muli ang mammoth, ang flightless bird na dodo, at Tasmanian tiger mula pa noong taong 2021.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble