Isang Pinoy lulan sa nagkaproblemang singapore flight, sasailalim sa medical procedure dahil sa neck fracture

Isang Pinoy lulan sa nagkaproblemang singapore flight, sasailalim sa medical procedure dahil sa neck fracture

SASAILALIM sa isang medical procedure ang isa sa limang Pinoy na lulan sa Singapore flight na nakaranas ng malakas na “air turbulence”.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), ang medical procedure ay para sa neck fracture na natamo nito.

Noong Mayo 21 nang mangyari ang severe air turbulence ng Flight SQ 321 habang bumibiyahe ito papuntang Singapore mula London Heathrow Airport.

Ang isa pang Pinoy passenger ng naturang flight ay naka-confine sa ospital dahil nawalan ng malay.

Ang natitirang tatlo na magkapamilya ay nasa stable naman na kalagayan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble