Isang veteran broadcaster may komento sa bagong talagang hepe ng PNP

Isang veteran broadcaster may komento sa bagong talagang hepe ng PNP

TINAWAG na ‘political animal’ ng isang veteran broadcaster ang bagong hepe ng Pambansang Pulisya na si PGen. Nicolas Torre III.

Ito’y dahil ayon kay Jay Sonza, ikinatuwa ng pangulo ang pagsunod ni Torre sa mga utos nito kahit pa hindi na ito makatao.

Isa na nga dito ang pagkubkob ng libu-libong pulis sa central compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Davao City noong nakaraang taon.

Maging ang ilegal na pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Marso 2025.

Dahil dito, sinabi ni Sonza na isang masamang imahe ang pagkatalaga ni Torre.

Ang katagang ‘political animal’ ay tumutukoy sa isang taong handang sumunod sa kagustuhan ng nasa kapangyarihan upang makamit o mapanatili ang posisyon kahit labag ito sa batas o prinsipyo.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble