Istilo ni FPRRD sa kampanya kontra kriminalidad at ilegal na droga, hinahanap ng mga Pilipino

Istilo ni FPRRD sa kampanya kontra kriminalidad at ilegal na droga, hinahanap ng mga Pilipino

SA panayam ng SMNI sa ilang mga Pilipino, napag-alaman na mas gusto pa rin ng karamihan ang istilo ng pamamahala ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte kumpara sa kasalukuyang administrasyon.

Karamihan sa mga ito ay dismayado sa kasalukuyang pamamalakad lalo pa’t nagsisipagbalikan na naman ang isyu ng ilegal na droga at krimen sa mga komunidad.

Kung sila ang tatanungin, mas nais nilang ibalik ang istilo ni dating Pangulong Duterte kung saan takot at hindi makaporma ang mga kawatan, mga adik sa ilegal na droga at maging ang mga kriminal.

Ikinababahala rin ng mga tao ang kanilang seguridad lalo na sa gabi, hindi anila katulad noong nakaraang administrasyon na ligtas silang maglakad kahit sa hatinggabi.

Nito lamang Abril nang ilabas ng global survey firm na Numbeo ang kanilang pagsusuri kung saan nanguna ang Maynila na kabisera ng Pilipinas bilang may pinakamataas na naitalang krimen sa buong Southeast Asia.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble