Isyu ng unreleased car plates sa ilalim ng administrasyong Aquino, hindi pa nareresolba

Isyu ng unreleased car plates sa ilalim ng administrasyong Aquino, hindi pa nareresolba

IPINAHAYAG ni Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection ang isyu ng unreleased car plates, na maraming indibiwal ang nag- comply sa proseso ng pagkuha ng kanilang plaka ng sasakyan  ngunit wala pa ring natatanggap na car plates, limang taon na ang nakalipas.

Ayon kay Atty. Inton na importante ang car plate dahil ito ang nagsisilbing identity ng isang sasakyan at ng may-ari nito.

Ngunit ibinahagi ng abogado sa kanyang interview sa Usaping Bayan ng SMNI na ang dahilan pala aniya ng unreleased car plates ay ang hindi kumpletong pagbabayad sa supplier ng plaka.

“One of the main problems ay hindi pa pala nabayaran ang ano ang ah supplier ng plaka itong PPI-JKG itong ah supplier. Well bakit nga ba hindi nabayaran? Ito po yung kwento no, yun pong ibabayad ay ah nai-release ng LTO (Land of Transportation Office) sa isang bangko no, ang bangkong ‘yan ay Land Bank Ortigas, at ang branch manager po dyan, sa aming pagsisiyasat ay isang nagngangalang Nenita Camposano.

“Dapat ay ire-release nila yung bayad sa supplier na kulang- kulang 200 milyon pesos, pero based on a mail letter, isang sulat lang po ay nag decide po tong branch na ‘to na huwag i-release yung bayad sa supplier which of course ang naging suma total nyan ay hindi nabayaran yung supplier dahil nga hindi nila ini-release yung pera ang kanilang basehan ay isang sulat.”

Matatandaang sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino, nabuo ang Motor Vehicle License Plate Standardization Program of 2013.

Sa naturang programa, kinakailangan ang lahat na car owners lalong-lalo na ang kabibili lang ng sasakyan na kumuha ng standard car plates.

Obligado ring kumuha ng replacement vehicle license plate ang iba pang car owners para mapalitan ang mga lumang car plates nito.

 

SMNI NEWS