JaMill couple, sign off na sa YouTube; Nais mamuhay ng simple

JaMill couple, sign off na sa YouTube; Nais mamuhay ng simple

TULUYAN nang nag sign off ang vlogger at real life couple na sina Camille Trinidad  at Jayzam Manabat sa YouTube channel na JaMill na mayroong 12 million subscriber.

Kinumpirma sa Twitter ni Camille Trinidad sa pag-aanunsyo na ” JaMill is signing off. Pero Jayzam & Camille ♾” ani Camille,Bigla naman naging trending ang dalawa, ayon sa mga spekulasyon ng mga netizen lalo na ang mga Mandirigma (JaMill followers) na baka isang  prank lang ito.

Sa paglilinaw, nag-post muli ang JaMill ng isang video upang malinawan ang mga followers na hindi ito prank at mutual decision nila ang paglisan sa YT upang mamuhay na ng pribado.

“Yes deleted na po ang channel. Di naman natin ma-please lahat ng tao na sabihing pa issue lang ito or what. It’s about our relationship, mas pinili namin mas maging okay ang relationship namin. I hope na irespeto na lang, Thank you,” paglilinaw ni Trinidad.

Abril nang nabulgar sa publiko ang pamba-babae ni Jayzam na nasangkot ang dalawang babae, isa rin ito sa dahilan upang maging fix ang desisyon ng JaMill na tuluyan nang lisanin ang pagiging influencer at vlogger.

Nais ng JaMill na mamuhay muli ng simple at masaya kagaya noon bago pa man pasukin ang vlogging.

Papatunayan umano ni Jayzam na magmamahalan sila ni Camille habang-buhay kahit wala na sila sa YouTube.

 

SMNI NEWS