Japan, ikaapat na lang sa world economy ranking

Japan, ikaapat na lang sa world economy ranking

PANG-apat na lang sa world’s largest economy ang bansang Japan noong 2023.

Ayon sa mga analyst, unti-unting nawawala ang pagiging productive at competitive ng Japan dahil na rin sa aging population ng bansa.

Nauna nang nakikita ng International Monetary Fund ang pagbagsak na ito ng Japan.

Dahil dito, sinabi ni Tetsuji Okazaki, isang propesor ng Economics sa University of Tokyo, nangangahulugan na rin ito na mababawasan pa ang presensiya ng Japan sa international scene.

Samantala, nananatiling nangunguna ang Estados Unidos, China, at ngayon ay kasama na ang Germany sa itinuturing “largest economies” sa mundo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble