Japan, tinanggal na ang natitirang non-essential travel warnings

Japan, tinanggal na ang natitirang non-essential travel warnings

TINANGGAL na ng Japan ang pinakahuling babala nito ukol sa non-essential trips kasunod ng pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa 76 na bansa.

Inihayag ng foreign minister na ibinaba na nito ang travel advisory para sa mga destinasyon gaya ng New Zealand, Mexico at Turkey mula sa ikalawang pinakamababang antas ng 4-point scale bulletin nito.

Ayon sa ministry, ang desisyon na ito ay inilabas matapos mag-improve ang sitwasyon ng impeksyon sa buong mundo.

Sumunod din ito sa group of 7 countries sa pagtatanggal ng kanilang travel advisory sa bawat bansa at lugar.

Hanggang sa buwan ng Agosto ibinababa na sa Level 1 Alert ng Japan ang aabot sa 125 bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter