ON the way to prestigious pageantry na si Jasmine Omay ngayong Mayo para sa Universal Woman 2025 pageant sa Jaipur, India, mula Mayo 29 hanggang Hunyo 9, 2025.
Sa official statement ni Arnold Vegafria, president ng ALV Pageant Circle at Universal Woman Philippines National Director, inanunsiyo niyang hindi makakapag-compete si Miss Grand Winner Sophia Bianca Santos sa Universal Woman 2025 dahil sa age eligibility requirement.
Ang pageant ay tumatanggap lamang ng mga kalahok na may edad 25 hanggang 45 years old.
Dahil dito, si Jasmine Omay ang napili bilang opisyal na kandidata ng Pilipinas para sa Universal Woman 2025.