Jericho March sa ika-7 araw ng Laban Kasama ang Bayan Prayer Rally 

Jericho March sa ika-7 araw ng Laban Kasama ang Bayan Prayer Rally 

IKA-pitong araw na ngayon ng isinasagawang Jericho March sa Laban Kasama ang Bayan Prayer Rally sa Liwasang Bonifacio, Maynila.

Ang Jericho March ay mayroong espiritwal na kahalagahan sapagka’t ito ay batay sa isang kuwento sa Bibliya na mababasa sa Joshua 6:4-5 at sinasabi,

”Sa ikapitong araw, magmartsa sa palibot ng lungsod ng pitong beses, kasama ang mga pari na humihip ng mga trumpeta. Kapag narinig ninyo ang mahabang tunog mula sa mga trumpeta, magbigay ng malakas na sigaw ang buong hukbo; saka magigiba ang pader ng lungsod at aakyat ang hukbo, bawat isa nang diretso.”

Sa nangyayaring sitwasyon ngayon sa gobyerno ng Pilipinas, walang ibang ipinaglalaban ang mga raliyista na gabi-gabi nagmamartsa sa palibot ng Liwasang Bonifacio kundi gibain ang pader ng gobyernong ito na mapang-abuso.

Hangad ng sambayanang Pilipino na matapos na ang mga katiwalian at panggigipit ng kasalukuyang administrasyon na pinamumunuan ni Bongbong Marcos Jr.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble