KUMPLETO na ang line-up ng Philippine National Volleyball Federation para sa nalalapit na AVC Challenge Cup for Women ngayong Mayo 22-29, 2024.
Ang koponan na kung tawagin ay Alas Pilipinas ay binubuo nina Jia de Guzman bilang team captain, Sisi Rondina, Jennifer Nierva, Dawn-Macandili-Catindig, at Eya Laure.
Kasama rin dito sina Faith Nisperos, Fifi Sharma, Vanie Gandler, Dell Palomata, Cherry Nunag.
Sa press conference ay dumalo rin sina Angel Canino, Thea Gagate, Julia Coronel, at Arah Panique.
Sa Mayo 23 kontra Australia ang unang game ng Alas Pilipinas.