Joint development ng China at Pilipinas, solusyon sa WPS issue—Foreign Relations Scholar

Joint development ng China at Pilipinas, solusyon sa WPS issue—Foreign Relations Scholar

MAY win-win solution ngayon ang isang foreign relations scholar para maiwasan ang paglala ng hidwaan ng Pilipinas at China sa isyu ng West Philippine Sea (WPS).

“Ang aking maipapayo diyan, kailangan ng Pilipinas at China they have to accept the fact na both of them cannot just give up their claims,” pahayag ni Sass Rogando Sasot, Foreign Relations Scholar.

‘Yan ang mungkahi ng foreign relations scholar na si MAY win-win solution ngayon ang isang foreign relations scholar para maiwasan ang paglala ng hidwaan ng Pilipinas at China sa… para magkaroon ng win-win solution ang hidwaan ngayon ng Pilipinas at China sa WPS.

Paliwanag niya, kailangang tanggapin ng dalawang bansa na walang bibitaw sa kani-kanilang claim sa mga pinag-aagawang teritoryo.

“I’m just talking about BRP Sierra Madre. You know, China has to accept the fact that it is not realistic that the Philippines will give up its claim. And the Philippines has to accept the fact that China will not give up its claim kahit gaano pa kayo kalakas magsisigaw sa Facebook,” diin ni Sasot.

At sa halip na magbangayan, mas mainam na bumalik sa ‘negotiating table’ ang dalawang bansa at humanap ng mga paraan para sabay na makinabang sa resources doon.

“We have to find a creative solution to the impasse. Di ba? Paano? Tingnan natin on how we could jointly develop the area. ‘Yang joint development ‘yan talaga ang panawagan noon ng mga matitinong tao, from the 90’s onwards. Ngayon lang sinakop itong… Ngayon na lang sinakop ito ng mga warmonger at mga oligarko dito. Kasi dati joint development talaga ang panawagan,” ayon pa kay Sasot.

Naniniwala naman si Sasot na hindi makatutulong sa administrasyon ang pagkiling ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa interes ng Amerika.

Lalo na’t sa tingin nito—digmaan ang kahahantungan ng girian bilang ang Amerika ang nasa likod ng Pilipinas versus China.

Katunayan, pinaigiting ngayon ang government response ng Marcos Jr. Administration sa WPS dahil sa patuloy na pagtaboy ng Chinese Coast Guard gamit ang water cannon sa supply boats ng Philippine Coast Guard papuntang Ayungin Shoal.

Rason naman dito ng China, hindi tinutupad ng Pilipinas ang usapan na hindi magdala ng mga kargamento para sa repair works sa BRP Sierra Madre.

Ang BRP Sierra Madre ay isang lumang barko ng Pilipinas na nakahimpil sa Ayungin Shoal mula pa taong 1999.

Sadyang isinadsad doon ang barko bilang palatandaan na bahagi ng Pilipinas ang teritoryo at nagsisilbing outpost ng ating mga kasundaluhan.

“Let’s see how can we turn the area to have a joint development kasi ‘yung ganito… Kung drama ang gusto ninyo, wala tayong ma-aachieve! You know? Magagalit lang tayo nang magagalit! Kailangan tayong maging creative. Kasi ano na no 2024! There are different ways on how actually to pursue joint development. Kasi kung walang isa sa inyo ang magi-give up ng claim, eh di gawin natin let’s shelve this issue and let’s pursue some form of joint development. Mapapag-usapan natin to. Di ba?” aniya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble