HINDI lang dasal at panawagan ang ipinakita ng mga taga-suporta ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ginaganap na rally sa Liwasang Bonifacio.
Isa sa kanila si Jordan Elpedes mula Quezon City, na nagpakita ng kaniyang natatanging obra—isang Duterte-style bust—bilang simbolo ng kaniyang pagsuporta kay Tatay Digong.