EXTENDED pa ang kontrata ng basketbolistang si Jrue Holiday sa pagitan ng Boston Celtics.
Kinumpirma ito ng agent ni Holiday na si Jason Glushon.
Sa naging $135-M na kontrata, makakasama ng Celtics ang manlalaro hanggang sa 2027-28 season.
Bilang bahagi rin ng kontrata, hindi na tatanggapin ni Holiday ang $37.5-M player option sa susunod na season.