June Mar Fajardo, ‘on track’ na para sa 2025 Fiba Asia Cup Qualifiers ngayong Huwebes

June Mar Fajardo, ‘on track’ na para sa 2025 Fiba Asia Cup Qualifiers ngayong Huwebes

MAGLALARO na si June Mar Fajardo para sa Gilas Pilipinas sa gaganaping 2025 Fiba Asia Cup Qualifiers ngayong Nobyembre 21 sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Matatandaang absent si Fajardo sa unang dalawang games ng Continental Meet dahil sa natamong calf strain nito subalit ngayon ay ‘recovered’ na ang manlalaro.

Sa magiging game ngayong Huwebes, aasahang makakasama ni Fajardo sina Dwight Ramos, Carl Tamayo, Kai Sotto, CJ Perez, at Chris Newsome.

Maging sina Kevin Quiambao at Mason Amos ng De La Salle University, Calvin Oftana, Justin Brownlee, Japeth Aguilar, AJ Edu, Ange Kouame, at Scottie Thompson ay maglalaro din.

Si Jamie Malonzo, bagamat kasama sa 15-man pool na inilabas ng Gilas ay hindi muna maglalaro dahil sa kaniyang natamong injury.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble