CHEERS para sa bunso at visual ng P-pop group na SB19 dahil naging usap-usapan sa social media ang acting debut ni Justin de Dios matapos lumabas siya sa isang episode ng youth-oriented series na “Senior High”.
Sa tinutukoy na episode kung saan isinagawa ang masquerade ball ng Northford High, ipinakilala si Justin bilang “Jared”.
Sa X na kilala rin bilang Twitter ay trending ang #actorjustin primetimedebut at #justininseniorhighep98 dahil dito.
Ang grupong SB19 na nagsimula ang music career noong 2018 ay binubuo nina Pablo, Josh, Stell, Ken, at Justin.
Lubos na sikat ang grupo para sa kanilang kantang “Gento” kung saan maraming foreign artists lalong-lalo na mga K-pop idol ang gumawa ng dance cover.