Kaarawan ni Pastor Apollo C. Quiboloy, dinaluhan ni FPRRD at iba pang kilalang mga personalidad

Kaarawan ni Pastor Apollo C. Quiboloy, dinaluhan ni FPRRD at iba pang kilalang mga personalidad

DINALUHAN ng mga kilalang personalidad ang birthday celebration ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa KJC Compound, Davao City nitong Abril 25.

Mula sa mga matataas na opisyal ng gobyerno at militar hanggang sa mga indibidwal mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan, hindi nila pinalagpas ang pagkakataon na makasama si Pastor Apollo sa kaniyang espesyal na araw.

Bandang alas singko ng hapon nang magsidatingan ang mga espesyal na panauhin ni Pastor Apollo.

Una sa listahan ang mga matataas na opisyal ng militar kabilang sina  LtGen. Greg T. Almerol, MGen. Albert Ignatius Ferro, MGen. Jose Eriel M. Niembra, 701st Infantry Kagitingan Brigade 7ID PA Commander BGen. Oliver Maquiling, Philippine Air Force Tactical Operations Wing – Eastern Mindanao Commander BGen. Pedro Francisco III, Eastern Mindanao Command Deputy Commander BGen. Consolito Yecla, Naval Forces Eastern Mindanao Commander Commodore Carlos Sabarre at BGen. Patricio Ruben Amata.

Personal ring dumating sa birthday celebration ni Pastor Apollo sina Sen. Christopher ‘Bong’ Go, Sen. Ronald Bato dela Rosa, Sen. Robinhood Padilla, Sen. Francis Tolentino, Sen. Mark Villar, dating Senate Pres. Manny Villar, dating  National Security Adviser Gen. Hermogenes Esperon, Jr. at iba pang opisyales ng pamahalaan.

Nakiisa rin sa espesyal na pagdiriwang sina Atty. Gilbert ‘Gibo’ Teodoro, Atty. Harry Roque, Atty. Ferdinand Topacio, Public Attorney’s Office Chief Atty. Persida Acosta, Atty. Larry Gadon at Atty. Marilou Aldevera.

Hindi rin pinalagpas ng mga anchor ng SMNI ang pagkakataon na personal na maipagdiwang ang birthday ni Pastor Apollo kabilang sina Laban Kasama ang Bayan Anchors Dr. Lorraine Badoy at Jeffrey Ka Eric Celiz, Problema Mo Itawag mo Kay Panelo Anchor Atty. Salvador ‘Sal’ Panelo, Bayan ni Juan Anchor Jess Aranza, Pinoy Legal Minds Anchor Atty. Mark Tolentino, at Statecraft Anchor Sass Rogando Sasot.

Higit sa lahat, personal na dumalo ang matalik na kaibigan ni Pastor Apollo mula’t noon hanggang ngayon, walang iba kundi si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sa kaniyang mensahe para kay Pastor Apollo, muling nagbalik-tanaw si Pangulong Duterte kung paano nagsimula ang pagkakaibigan nila ng butihing Pastor na naging matatag sa pagdaan ng panahon.

Isinalaysay rin ng dating Pangulo kung bakit nagtagal ang kanilang pagkakaibigan ni Pastor Apollo.

Bukod sa kaniyang taos-pusong pasasalamat para sa mga dumalo sa kaniyang kaarawan, muli ring kinilala ni Pastor Apollo ang mga nagawa ni Pangulong Duterte na naging dahilan upang pagpalain ang Pilipinas sa loob na anim na taon.

Follow SMNI NEWS in Twitter