TUMAAS ng 5% ang kabuuang inutang ng administrasyong Marcos Jr. noong Enero 2025.
Sa pinakabagong ulat ng cash operations ng Bureau of the Treasury (BTr), umabot sa P213.14B ang inutang ng gobyerno sa unang buwan ng taon.
Mas mataas ito kumpara sa P203.17B na inutang noong nakaraang taon.
Sa naturang halaga, P152.2B ang domestic debt, habang P60.94B naman ang foreign debt.