Kagamitang pandigma ng CTG, narekober ng 80th IB sa engkuwentro sa lalawigan ng Quezon

Kagamitang pandigma ng CTG, narekober ng 80th IB sa engkuwentro sa lalawigan ng Quezon

AABOT sa 20 miyembro ng communist terrorist group (CTG) na New People’s Army (NPA) ang naka-engkuwentro ng tropa ng 80th Infantry Battalion, ng 2nd Infantry Division, Philippine Army sa Sitio Imawang, Brgy. Lumutan, General Nakar, sa lalawigan ng Quezon.

Batay sa report, naka-engkuwentro ng militar ang mga NPA habang nagsasagawa ang mga ito ng focus military operations sa nasabing lugar.

Ang nasabing NPA ay sakop ng KLG NARCISO, Sub-Regional Military Area 4A ng Southern Tagalog Regional Party Committee.

Umabot sa 30 minuto ang bakbakan na nagresulta sa pagkakabawi ng mga kagamitang pandigma ng armadong grupo tulad ng rifle grenade, M16 short magazine, mga bala, mga subersibong dokumento at personal na kagamitan.

Patuloy naman ang panawagan ng pamahalaan sa mga natitira pang mga miyembro ng NPA na bumaba, isuko ang kanilang mga armas at talikuran ang mga maling idelolohiyang pinaglalaban at magbalik loob na sa pamahalaan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter