TINIYAK ng Office of Civil Defense (OCD) sa publiko ang kahandaan ng pamahalaan sa pagpapatupad ng mga hakbang, pagtitiyak ng kaligtasan at agarang pagpapaabot ng tulong sa mga lugar malapit sa Bulkang Taal.
Ito ang tunuran ni OCD Administrator, USec. Ariel Nepomuceno matapos na muling makapagtala ng panibagong phreatomagmatic eruption ang Bulkang Taal nitong hapon ng Miyerkules, Oktubre 2, 2024.
Ani Nepomuceno, mahigpit na nilang tinututukan ang sitwasyon sa Bulkang Taal katuwang ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Offices at mga lokal na pamahalaan.
Una rito, inihayag mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nakalatag na ang mga protocol sa pag-alalay sa mga apektadong lugar.
Sa ngayon nananatili pa sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal kung saan, posible pa rin itong makapagsagawa ng mahihinang pagbuga ng asupre at makapal na usok.